Kaligtasan at Kalinisan, Pinagtibay ng Gotamco ES Noong Lunes at Martes, nagsuspinde ng klase ang buong NCR upang magsagawa ng quality cleaning sa mga paaralan bilang tugon sa pagtaas ng kaso ng influenza-like illness. Sa layuning matiyak ang kalinisan at kaligtasan ng mga mag-aaral at mga guro, aktibong nakiisa ang Gotamco Elementary School sa inisyatibang continue reading : Gotamco Elementary School, Nakiisa sa Malawakang School Cleaning Drive

Gotamco Elementary School, Matagumpay na Nagtapos ang Teachers’ Month Celebration 2025
Isang Buwan ng Pasasalamat: Gotamco ES, Pinarangalan ang mga Guro Kahapon, Oktubre 5, 2025, pormal nang nagtapos ang Teachers’ Month Celebration ng Gotamco Elementary School, isang buwan ng masayang pagdiriwang at pagkilala sa mga guro bilang tunay na bayani ng edukasyon. Ang pagdiriwang ay nagsimula noong Setyembre 5 at nagpatuloy hanggang Oktubre 5, na puno continue reading : Gotamco Elementary School, Matagumpay na Nagtapos ang Teachers’ Month Celebration 2025

Gotamco ES, Kaagapay ng DepEd sa Paglulunsad ng ARAL Program
Pag-asa sa Pag-aaral: Gotamco ES, Lumahok sa Project ARAL Noong Setyembre 15, 2025 (Lunes), opisyal na nakibahagi ang Gotamco Elementary School (GES) sa kick-off ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program Act ng Department of Education (DepEd). Ang proyektong ito ay naglalayong tugunan ang learning gaps ng mga mag-aaral, lalo na sa pagbasa at continue reading : Gotamco ES, Kaagapay ng DepEd sa Paglulunsad ng ARAL Program

Wika at Kasaysayan: Susi sa Pagkakaisa, Ipinagdiwang sa Pampinid na Palatuntunan
Noong Agosto 29, 2025, isinagawa ng Gotamco Elementary School ang Pampinid na Palatuntunan bilang pagtatapos ng isang buwang masaya at makabuluhang pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Kasaysayan. Ang palatuntunan ay nagsilbing kulminasyon ng lahat ng mga gawaing isinagawa sa buong buwan, kung saan tampok ang mga pagtatanghal ng bawat baitang at paggawad ng parangal continue reading : Wika at Kasaysayan: Susi sa Pagkakaisa, Ipinagdiwang sa Pampinid na Palatuntunan

GES, Nagsagawa ng State of the School Address 2025
Pagkakaisa at Pag-unlad, Tampok sa State of the School Address 2025 Noong Agosto 22, 2025, matagumpay na isinagawa ng Gotamco Elementary School ang taunang State of the School Address (SOSA) sa pangunguna ng aming Punongguro, Gng. Lea Marcelo. Ang SOSA ay mahalagang pagkakataon upang ipahayag ang mga natamong tagumpay ng paaralan, mga proyekto at programang continue reading : GES, Nagsagawa ng State of the School Address 2025

GES, Naglunsad ng mga Proyektong Pampalakas ng Numeracy Skills
Bagong Intervention sa Math, Inilunsad! Isang mahalagang hakbang para sa pagpapalakas ng kasanayan sa Matematika ang inilunsad kamakailan sa Gotamco Elementary School matapos maaprubahan ang dalawang makabagong proyekto na naglalayong tulungan ang mga mag-aaral na nangangailangan ng dagdag na suporta sa numeracy. Ang unang proyekto ay ang “Utilization of Project Cards as an Intervention to continue reading : GES, Naglunsad ng mga Proyektong Pampalakas ng Numeracy Skills

GES, Naghalal ng Bagong Hanay ng Faculty Officers para sa Taong Panuruan 2025-2026
Bagong Liderato ng mga Guro, Opisyal nang Nahalal sa Gotamco Noong July 30, 2025, matagumpay na isinagawa ng Gotamco Elementary School ang halalan para sa bagong hanay ng Faculty Officers para sa taong panuruan 2025-2026. Layunin ng halalang ito na pumili ng mga lider mula sa hanay ng mga guro na magsisilbing katuwang ng administrasyon continue reading : GES, Naghalal ng Bagong Hanay ng Faculty Officers para sa Taong Panuruan 2025-2026

PANGHAPON ERA IS OVER!!
Gotamco Elementary School, Opisyal Nang Nasa Isang Shift na Klase Isang makasaysayang yugto ang naabot ng Gotamco Elementary School ngayong Hulyo 21, 2025, matapos nitong opisyal na lumipat sa Single Shift o iisang sesyon ng klase. Sa unang pagkakataon matapos ang ilang taon, lahat ng baitang ay pumapasok na lamang tuwing umaga, mula 6:00 AM continue reading : PANGHAPON ERA IS OVER!!

Alorica Outreach Program, Hatid ay Saya at Pagmamalasakit sa GES
Alorica, Katuwang sa Pagpapasaya ng Batang Gotamecian Isang masaya at makabuluhang araw ang naranasan ng mga mag-aaral ng Gotamco Elementary School nang idaos ang Outreach Program ng Alorica Philippines sa kanilang paaralan. Ang aktibidad ay isinagawa kamakailan at naglalayong maghatid ng tulong, inspirasyon, at kasiyahan sa mga batang Gotamecian. Sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad continue reading : Alorica Outreach Program, Hatid ay Saya at Pagmamalasakit sa GES

Matagumpay na Pagdaraos ng HRPTA Election sa Gotamco Elementary School
Matibay na Ugnayan: HRPTA Election 2025, Matagumpay na Naidaos Isang matagumpay na Homeroom Parent-Teacher Association (HRPTA) Election ang isinagawa kamakailan sa Gotamco Elementary School bilang bahagi ng pagtitiyak ng aktibong partisipasyon ng mga magulang sa mga gawaing pampaaralan. Ang halalan ay ginanap sa bawat silid-aralan, kung saan maayos na nakapili ng mga kinatawan mula sa continue reading : Matagumpay na Pagdaraos ng HRPTA Election sa Gotamco Elementary School