Kaligtasan at Kalinisan,
Pinagtibay ng Gotamco ES
Noong Lunes at Martes, nagsuspinde ng klase ang buong NCR upang magsagawa ng quality cleaning sa mga paaralan bilang tugon sa pagtaas ng kaso ng influenza-like illness. Sa layuning matiyak ang kalinisan at kaligtasan ng mga mag-aaral at mga guro, aktibong nakiisa ang Gotamco Elementary School sa inisyatibang ito.
Buong puso namang tumulong ang mga magulang, barangay officials, at mga kawani ng paaralan sa masinsinang paglilinis at pag-disinfect ng bawat silid-aralan, pasilyo, at paligid ng paaralan. Ang sama-samang pagkilos na ito ay patunay ng matibay na ugnayan ng paaralan at ng komunidad para sa kaligtasan ng lahat.









Bukod sa regular na pagwalis at pag-aayos, ginamit din ang mga disinfectant upang masiguro ang kalinisan ng mga madalas hawakan ng mga bata at guro. Nagpahayag ng pasasalamat ang pamunuan ng paaralan sa lahat ng nakiisa sa gawaing ito.
Sa pamamagitan ng kooperasyon ng lahat, nananatiling ligtas at malinis ang Gotamco Elementary School—isang hakbang tungo sa pagpigil ng pagkalat ng sakit at sa pagpapanatili ng maayos na kapaligirang pampaaralan.