Pagkakaisa at Pag-unlad, Tampok sa State of the School Address 2025
Noong Agosto 22, 2025, matagumpay na isinagawa ng Gotamco Elementary School ang taunang State of the School Address (SOSA) sa pangunguna ng aming Punongguro, Gng. Lea Marcelo. Ang SOSA ay mahalagang pagkakataon upang ipahayag ang mga natamong tagumpay ng paaralan, mga proyekto at programang naisakatuparan, at mga planong gagawin pa para higit pang mapabuti ang kalidad ng edukasyon para sa bawat Batang Gotamecian.

Sa kanyang ulat, ibinahagi ni Gng. Marcelo ang mga proyekto tulad ng pagpapalakas ng numeracy at literacy programs, mga bagong pasilidad para sa mga guro at mag-aaral, at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang stakeholders na naging katuwang ng paaralan. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagkakaisa at sama-samang pagtutulungan upang maabot ang mithiin ng paaralan.
Kasabay ng SOSA ay isinagawa rin ang Panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng paaralan kabilang ang Faculty Officers, SPTA, HRPTA, at SELG. Ang kanilang panunumpa ay hudyat ng kanilang pananagutan bilang mga bagong lider na magsisilbing katuwang ng pamunuan sa pagpapatupad ng mga proyekto at adhikain ng Gotamco.


Bumista rin sa nasabing programa ang Kagalang-galang na Alkalde ng Lungsod ng Pasay bilang panauhing pandangal. Sa kanyang mensahe, kanyang pinuri ang Gotamco Elementary School sa patuloy na pagsusumikap na mapaunlad ang edukasyon at tiniyak ang suporta ng lokal na pamahalaan sa mga proyekto at pangangailangan ng paaralan.







Ang kaganapang ito ay naging makabuluhan dahil ipinakita nito ang pagkakaisa ng pamunuan, guro, magulang, mag-aaral, at stakeholders sa iisang layunin—ang maitaguyod ang de-kalidad na edukasyon at mas maliwanag na kinabukasan para sa lahat ng Batang Gotamecian.