Bagong Intervention sa Math, Inilunsad!
Isang mahalagang hakbang para sa pagpapalakas ng kasanayan sa Matematika ang inilunsad kamakailan sa Gotamco Elementary School matapos maaprubahan ang dalawang makabagong proyekto na naglalayong tulungan ang mga mag-aaral na nangangailangan ng dagdag na suporta sa numeracy.


Ang unang proyekto ay ang “Utilization of Project Cards as an Intervention to Enhance the Numeracy Skills of Selected Grade Four Learners” na pinangunahan ni Gng. Janelyn Alfabete. Sa pamamagitan ng project cards, nagiging mas madali at mas kawili-wili para sa mga mag-aaral ang pag-unawa at pagsasanay sa mga pangunahing operasyon sa Matematika.
Kasabay nito, inilunsad din ni Bb. Melanie Borbe ang Project SNOW (Strengthening Numerical Operations of Whole Numbers) na nakatuon sa pagpapatibay ng pundasyong kasanayan ng mga bata sa pagbibilang at problem solving. Layunin nitong magbigay ng iba’t ibang gawain at estratehiya upang mahasa ang kanilang kakayahan at kumpiyansa sa asignatura.

Lubos na pinasasalamatan ng paaralan ang mga guro sa kanilang inisyatiba at malasakit na makahanap ng solusyon upang mapabuti ang pagkatuto ng mga batang Gotamecian. Ang mga proyektong ito ay patunay na sa sama-samang pagkilos at inobasyon, maabot ng bawat bata ang tagumpay sa larangan ng pag-aaral.