BUWAN NG WIKA AT HISTORY MONTH, IPINAGDIWANG NG MGA GOTAMECIANS!
ni: Dave Matthew Palmero
Masaya at magkasabay na ipinagdiwang ng mga mag-aaral ng Gotamco Elementary School ang Buwan ng Wika na may temang “𝐹𝑖𝑙𝑖𝑝𝑖𝑛𝑜 𝑊𝑖𝑘𝑎𝑛𝑔 𝑀𝑎𝑝𝑎𝑔𝑝𝑎𝑙𝑎𝑦𝑎” at History Month (Buwan ng Kasaysayan) na may tema namang “𝑆𝑎𝑙𝑎𝑦𝑠𝑎𝑦 𝑛𝑔 𝐵𝑎𝑦𝑎𝑛, 𝑆𝑎𝑦𝑠𝑎𝑦 𝑛𝑔 𝐵𝑎𝑛𝑠𝑎” noong ika-30 ng Agosto, 2024 sa GES Multi-purpose Ground.
Pinangunahan ito ng mga mag-aaral mula sa ika-anim na baitang sa gabay ni Ginoong Froilan Elizaga, guro sa Filipino at ni Gng. Vilma Nabua, guro sa Araling Panlipunan ang nasabing programa. Nagtanghal ang mga mag-aaral ng mga sayaw na ipinagmamalaki nating mga Pilipino gaya ng Pandanggo sa Ilaw, Carinosa at iba pa.
Ang ibang baitang naman ay sa loob na ng silid-aralan nagsagawa ng programa. Suot ang kani-kanilang mga tradisyunal na kasuotan ng mga Pilipino gaya ng Barong, Saya, Filipiniana ay masaya nilang ipinagdiwang ang Buwan ng Wika at Kasaysayan.