Alorica, Katuwang sa Pagpapasaya ng Batang Gotamecian
Isang masaya at makabuluhang araw ang naranasan ng mga mag-aaral ng Gotamco Elementary School nang idaos ang Outreach Program ng Alorica Philippines sa kanilang paaralan. Ang aktibidad ay isinagawa kamakailan at naglalayong maghatid ng tulong, inspirasyon, at kasiyahan sa mga batang Gotamecian.






Sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad at pamamahagi ng regalo, ramdam ng mga mag-aaral ang pagmamalasakit at malasakit ng Alorica. Bukod sa mga handog na materyal, higit na mahalaga ang alaala ng kabutihang ipinadama sa mga bata — isang paalala na may mga taong handang tumulong at sumuporta sa kanilang pag-aaral at pangarap.
Lubos ang pasasalamat ng pamunuan ng Gotamco Elementary School, sa pangunguna ni Gng. Lea Marcelo (Punong Guro), sa buong Alorica Team na walang pag-iimbot na nagbahagi ng kanilang oras, resources, at pagmamahal. Ang ganitong mga inisyatibo ay tunay na nagpapalalim sa ugnayan ng paaralan at komunidad.
Ang Outreach Program ng Alorica ay patunay na ang kabutihan ay walang hinihintay na kapalit, at ang simpleng pagkalinga ay may malaking epekto sa buhay ng bawat batang Gotamecian.
Mabuhay kayo, Alorica! Maraming salamat sa inyong malasakit at suporta!