Matibay na Ugnayan: HRPTA Election 2025,
Matagumpay na Naidaos
Isang matagumpay na Homeroom Parent-Teacher Association (HRPTA) Election ang isinagawa kamakailan sa Gotamco Elementary School bilang bahagi ng pagtitiyak ng aktibong partisipasyon ng mga magulang sa mga gawaing pampaaralan. Ang halalan ay ginanap sa bawat silid-aralan, kung saan maayos na nakapili ng mga kinatawan mula sa mga magulang upang magsilbing katuwang ng mga guro sa paghubog ng kabataang Gotamecian.





Layunin ng HRPTA Election na mapalakas ang ugnayan sa pagitan ng paaralan at tahanan. Sa pamamagitan ng pagboto ng mga magulang, nabibigyang boses ang kanilang mga pananaw, mungkahi, at suporta sa mga programa ng paaralan. Mahalaga ang kanilang papel sa pagtataguyod ng kaayusan, disiplina, at kagalingan ng mga mag-aaral.
Lubos ang pasasalamat ng pamunuan ng paaralan sa aktibong pakikilahok ng mga magulang, guro, at iba pang stakeholder sa halalang ito. Ang pagkakaroon ng matatag na samahan sa pagitan ng mga guro at magulang ay nagsisilbing pundasyon sa mas matagumpay na edukasyon para sa mga bata.
Ang Gotamco Elementary School ay nananatiling bukas at masigasig sa pagtanggap ng suporta mula sa mga magulang—tunay ngang “Bida ang Gotamecian” sa bawat hakbang tungo sa dekalidad na edukasyon!