kp gonzales construction,
nagbigay ng t.v. sa ges

ni: dave matthew palmero

Nagdonate ang KP Gonzales Construction ng limang 40 inches television sa Gotamco Elementary School noong May 31, 2023. 

Ang KP Gonzales Construction ang kontraktor na kasalukuyang nagsasagawa sa gusali ng Gotamco Elementary School. Kasalukuyang nasa rehabilitation stage ang paaralan at para matugunan ang mga classroom na nasira ay gumawa muna ng pansamantalang Displaced Classrooms sa Covered court ng paaralan.

Isa ang telebisyon sa pangunahing pangangailangan ng mga dispalced classrooms kaya naman napakaganda ng donasyon na ibinigay ng nasabing contractor. 

Magagamit ng limang seksyon ang mga telebisyon sa kanilang bagong pansamantalang classroom dahilan para maging masaya at epektibo ang kanilang pag-aaral. 

Taos-pusong nagpapasalamat ang pamunuan ng Gotamco Elementary School sa napakabuting puso ng KP Gonzales Construction.