gotamecians nakiisa sa pagsalubong sa ating mga olympians!

Sinalubong ng mga mag-aaral ng Gotamco Elementary School ang pagdating ng mga Olympians sa ginanap na Welcome Parade para sa ating mga atleta na lumahok at lumaban sa Paris Olympics 2024. 

Pinangunahan ni Two-time Olympic Gold Medalist, Carlos Yulo ang parada kasama ng iba pang mga atleta sakay ng isang gradyosong float. 

 

Ginanap at nagsimula ang Welcome Parade sa tapat ng Aliw Theater ng Cultural Center of the Philippines, Pasay City at binaybay ang kahabaan ng EDSA Boulevard para masilayan ng libo-libong Pilipino nag naghihintay sa pagbabalik ng ating mga atleta. 

At dahil malapit lang ang paaralan sa Rizal Memorial Staduim kaya naman madaling nakalahok ang Gotamecian na binubuo ng mga SELG Officers at mga batang Atleta kasama ang mga magulang, Guro at Punong guro sa selebrasyon. 

Natapos ang parada at nagdaos ng maikling programa sa Rizal Memorial Stadium kung saan nasilayan ng harap-harapan ng ating mga mag-aaral ang mga atleta. 

“Malaking inspirasyon po para sa aming mga mag-aaral ng Gotamco na makalahok at makita ng personal ang mga Olympians, na-inspire po kami na galingan sa sports at sumunod sa yapak po nila at gagalingan po namin”, wika ni Ashanty Claire, ang SELG President at isang Volleyball player ng paaralan.