GES GRADE 2 TEACHERS ANG BEST IMPLEMENTERS NG 8-WEEK CURRICULUM LITERACY


NI: MR. JESUS G. DELOS REYES

Pagpupugay sa mga guro at mga mag-aaral Mula sa Ikalawang Baitang. Isang karangalan na mapabilang ang ating paraaralan Gotamco ES sa mga “Best Implementers ng 8-Week Curriculum-Literacy” sa Dibisyon ng Pasay. 
Sa punongguro, Ma’am Lea Marcelo sa paggabay ng mga gawain upang mapaunlad pa ang kakayanan ng mga mag-aaral at ng mga guro. Sa PSDS, Dr. Myrna Bisa Martino, sa pagbibigay ng Technical Assistance lalo sa pagbuo/pagkalap ng mga isusumite na report at sa pggabay din sa mga guro na mapanatili at umunlad pa Lalo ang kahusayan sa pagtururo. Sa mga dalubguro na nagbahagi ng kanilang oras upang maging maayos at mapadali sa mga guro ang pgpapatupad ng programa. Sa mga magulang na gumabay sa mga bata, sa pghahatid at pagsundo sa mga bata at sa suportang inyong ipinaabot sa paaralan. 
Sa iba pang PSDS, Dr. Eleanor Cestina Capilitan, Dr. Magayanes, Dr. Condes, Dr. Samarita, Dr. Sha Manguerra Sergio, EPS, Ma’am Rowela Reyes Cadayona , Ma’am Imelda Boquiren, Sir RS Junio na nagpatunay sa angking kakayahan ng mga Bata at mga gurong tagapagpatupad ng kurikulum, Maraming Maraming Salamat din po sa Inyo. Sa SDS, ASDS, at CID chief, sa pgbibigay ng karangalan sa ating mga guro upang Lalo nilang mapabuti ang knilang kakayahan sa pagtuturo. Para din sa aming masipag na tagapagparami ng mga kagamitan sa pag-aaral, Kuya Bernie Sampaga, maraming maraming salamat. Sa pamunuan ng mga Guro at Samahan ng mga Magulang ng Paaralan, Isang mainit na pasasalamat ang ipinaabot ng paaralan sa inyo, sa paglalaan ay pagbabahagi ng inyong Oras sa mga Bata at sa paaralan.
Hindi ito makakamtan ng paaralan kung wala po Ang ating Panginoon na Siyang palaging naandiyan para gabayan tayong lahat at bigyan ng lakas upang makapagsilbi sa ating kapwa.